Sunday, August 08, 2010

Hold-Up Modus Operandi in Saudi Arabia

BABALA SA ATING MGA KABABAYAN!!!
(Pauna na lang po....Ugaliing ihiwalay ang credit card at mahahalagang card tulad ng IQAMA, company ID sa wallet. Ilagay ito sa ibang lalagyan tulad ng card case. Pera lamang ang ulagay sa wallet.
Pangalawa, wag lalabas ng mag-isa.
Pangatlo, wag titigil at makiusap sa di kilala. )  

Isa po sa aming kasamahan ay na hold‐up kahapon , Friday, Aug. 6, 2010 mga bandang 6:00pm, sa Al‐Khobar area (near fish market)

Ito po ang kanyang salaysay:

Naglalakad po sya along 6th St. galing sa fish market pa‐uwi sa kanilang bahay na nasa Prince Bader St. between 6th & 7th St. ng lapitan sya ng isang maitim at malaking arabo (bado) at pagbintangan ang aming kasamahan na sya daw ang nakapulot nung nalaglag na pera ng arabo (bado). Sa kanilang pag‐uusap, pinagbintangan po ng arabo (bado) ang aming    kasa mahan na sya ang nakapulot ng nalaglag na pera at inilagay pa daw ng aming kasamahan sa kanyang bulsa. Hanggang sa na‐uwi na po sa pagtatalo ang usapan.

Kasunod po noon ay may isang sasakyan na humarang at huminto sa kanilang harapan at nagpakilalang pulis, agad na bumaba nagpakilalang pulis at nagpatunay sa arabo (bado) na ang aming kasamahan nga ang naka pulot ng pera at inilagay sa kanyang wallet (ito po siguro ang paraan ng mga arabo upang sya ay takutin at upang maipakita nya ang laman ng kanyang wallet).

Sa puntong ito ang kinabahan na ang aming kasamahan at wala na syang magawa kundi ipakita na ang kanyang wallet upang patunayan na wala ang perang hinahanap ng mga arabo (ang hinahanap pong pera ng mga arabo ay nagkakahalaga ng SR10,000.00, ngunit ang laman po ng kanyang wallet ay SR700.00 lang). Nang ipinakita po ng aming kasamahan ang kanyang wallet upang patunayan na wala sa kanya ang hinahanap na pera ay agad itong inagaw sa kanya ng arabo (bado), kasabay noon ay sapilitang ipinalabas ng nagpakilalang pulis ang kanyang cellfone at idinahilan ng pulis na tatawagan nya ang aming kumpanya upang ipaalam na hindi sya makakapasok kinabukasan (Saturday) dahil isasaama nila sa Police Station upang ikulong. At dala na po siguro ng takot, napilitan na din po ang aming kasamahan na ibigay ang kanyang cellfone, sa puntong ito po ay sabay ng pumasok ang mga aarabo sa kanilang sasakyan dala ang kanyang wallet at cellfone, wala na pong nagawa ang aming kasamahan hanggang sa umalis na ang mga arabo. Makalipas ang ilang segundo at mga ilang metro pa lang ang natatakbo ng naturang sasakyan; napansin po ng aming kasamahan na ibinato po sa labas ng bintana and kanyang wallet, at ng ito po ay kanyang suriin, napagalaman
nya na nakuha na ng mga arabo ang kanyang pera (SR700), blackberry na cellfone at ang kanyang SHB Credit Card nya. Sa kabutihang palad po ay nakuha pa nya ang kanyang Iqama, Saudi Aramco ID at ibang mahahalagang laman ng kanyang wallet.

Sa madaling salita po, isang modus din ng mga arabo yan s al khobar area sa mga panahong ito.
 
PALALA PONG MULI; MAGING MAINGAT PO SANA TAYO SA PAGLALAKAD SA AL KHOBAR AREA, MARAMI NA PONG MASASAMANG ELEMENTO ANG NAGLIPANA SA MGA PANAHONG ITO. IPAKALAT PO NATIN ITO SA LAHAT NG MGA KABABAYANG PILIPINO DITO SA ALKHOBAR AT SA IBANG LUGAR NG SAUDI ARABIA .
 
MARAMING SALAMAT PO


Eric R Imperial
Planner Engineer, Maintenance Support
Eastern Petrochemical Company
A SABIC Affiliate
P.O. Box 10035
Jubail 31961
SAUDI ARABIA
T +966 (3) 357-5000 x 5599
F +966 (3) 357 5064
E Imperialer@sharq. sabic.com
  

2 comments:

  1. Thank you very much for reading and liking our blog. We hope our blog helps you in any way it can in your life in the Kingdom. Do continue blogging too. :) Take care!

    XOXO,
    The Pink Tarha Ladies

    PS. As for your question on Philippine nursery schools, we haven't encountered one that we know of personally. We are aware though that some of our kababayans' toddlers (2-3 years old) go to private homes where stay-at-home Pinay moms act as nannies and teachers for the day. There are, however, international preschools for 4 and above scattered in the city. :)

    ReplyDelete
  2. THANKS Pink Tarhas. I will take note that early schooling here starts at 4 years old. Will look into those international preschools :-)

    ReplyDelete